-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kumakain ng aking katawan at umiinom ng aking dugo: Makikita sa konteksto na ang pagkain at pag-inom na ito ay makasagisag at tumutukoy sa pananampalataya kay Jesu-Kristo. (Ju 6:35, 40) Sinabi ito ni Jesus noong 32 C.E., kaya hindi ang Hapunan ng Panginoon ang tinutukoy niya; lumipas pa kasi ang isang taon bago niya ito pinasimulan. Sinabi niya ito noong malapit na “ang Paskuwa, ang kapistahan ng mga Judio” (Ju 6:4), kaya malamang na naipaalala nito sa mga tagapakinig niya ang nalalapit na kapistahan at ang halaga ng dugo ng kordero sa pagliligtas ng buhay noong gabing umalis sa Ehipto ang Israel (Exo 12:24-27). Idiniriin dito ni Jesus na magiging mahalaga rin ang dugo niya para magkaroon ng buhay na walang hanggan ang mga alagad niya.
-