-
Juan 6:59Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
59 Ang mga bagay na ito ang sinabi niya habang siya ay nagtuturo sa pangmadlang kapulungan sa Capernaum.
-
-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
sinagoga: O posibleng “nagkakatipong mga tao.” Ang pangngalang Griego na sy·na·go·geʹ na ginamit dito ay literal na nangangahulugang “pagtitipon; kapulungan.” Sa karamihan ng paglitaw nito sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, tumutukoy ito sa gusali o lugar kung saan nagtitipon ang mga Judio para magbasa ng Kasulatan, maturuan, mangaral, at manalangin. (Tingnan sa Glosari.) Sa kontekstong ito, puwedeng tumukoy ang terminong ito sa anumang pagtitipon na bukás sa publiko, pero mas malamang na tumutukoy ito sa isang “sinagoga” kung saan mga Judiong nasa ilalim ng Kautusang Mosaiko ang kinakausap ni Jesus.
-