-
Juan 6:61Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
61 Pero alam ni Jesus na nagbubulong-bulungan ang mga alagad niya, kaya sinabi niya: “Nagulat ba kayo rito?
-
-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Nagulat ba kayo rito?: O “Natisod ba kayo rito?” o “Nawalan ba kayo ng pananampalataya dahil dito?” Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang salitang Griego na skan·da·liʹzo ay tumutukoy sa makasagisag na pagkatisod. Madalas itong tumukoy sa pagkakasala o pagiging dahilan ng pagkakasala ng iba. Depende sa konteksto, ang skan·da·liʹzo ay puwedeng tumukoy sa paglabag sa kautusan ng Diyos sa moral, kawalan ng pananampalataya, pagtanggap sa huwad na mga turo, o paghihinanakit.—Tingnan ang study note sa Mat 5:29; 18:7.
-