-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
mga Judio: Gaya ng pagkakagamit ng terminong ito sa Ebanghelyo ni Juan, iba-iba ang ibig sabihin nito depende sa konteksto. Puwede itong tumukoy sa mga Judio o taga-Judea sa pangkalahatan o sa mga nakatira sa Jerusalem o malapit dito. Puwede rin itong tumukoy sa mga panatikong Judio na nanghahawakan sa tradisyon ng tao, na may kaugnayan sa Kautusang Mosaiko pero kadalasan nang salungat sa diwa ng Kautusan. (Mat 15:3-6) Ang mga ‘Judiong’ ito ay pinapangunahan ng mga Judiong lider ng relihiyon na galít kay Jesus. Sa tekstong ito at sa iba pang paglitaw ng terminong ito sa Juan kabanata 7, makikita sa konteksto na tumutukoy ito sa mga Judiong lider ng relihiyon.—Ju 7:13, 15, 35a.—Tingnan sa Glosari, “Judio.”
-