-
Juan 7:26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
26 Pero tingnan ninyo! Nagsasalita siya sa maraming tao, at wala silang sinasabi sa kaniya. Hindi kaya alam na talaga ng mga tagapamahala na siya ang Kristo?
-
-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
mga tagapamahala: Tumutukoy sa mga Judiong tagapamahala. Noong ministeryo ni Jesus sa lupa, ang Israel ay pinamamahalaan ng Imperyo ng Roma at ng mga Judiong tagapamahala. Ang pinakamataas na lupon ng mga Judiong tagapamahala noon ay ang Sanedrin, na binubuo ng 71 matatandang lalaki, kasama na ang mataas na saserdote, na binigyan ng gobyerno ng Roma ng limitadong awtoridad sa mga Judio.—Tingnan sa Glosari, “Sanedrin.”
-