Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Juan 11:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Nang dumating si Jesus, apat na araw nang nakalibing* si Lazaro.

  • Juan 11:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Dahil dito nang dumating si Jesus, nasumpungan niyang apat na araw na itong nasa alaalang libingan.+

  • Juan
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 11:17

      Ang Bantayan,

      1/1/2008, p. 31

  • Mga Study Note sa Juan—Kabanata 11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11:17

      apat na araw nang nakalibing: Nang magkasakit nang malubha si Lazaro, ipinasabi ito kay Jesus ng mga kapatid niyang babae. (Ju 11:1-3) Mula sa Betania, kailangang maglakbay nang mga dalawang araw para makarating kay Jesus, at lumilitaw na namatay si Lazaro sa mismong araw na nalaman ni Jesus ang balita. (Ju 10:40) Bago pumunta si Jesus sa Betania, “nanatili pa siya nang dalawang araw sa kinaroroonan niya.” (Ju 11:6, 7) Kaya dahil nanatili pa siya roon nang dalawang araw at naglakbay nang dalawang araw, nakarating siya sa libingan ni Lazaro apat na araw pagkamatay nito. Mayroon nang di-bababa sa dalawang tao na binuhay-muli si Jesus—ang isa ay pagkamatay na pagkamatay ng tao at ang isa naman ay malamang na sa mismong araw din kung kailan ito namatay. (Luc 7:11-17; 8:49-55; ihambing ang Mat 11:5.) Pero wala pa siyang binuhay-muli na apat na araw nang patay at nabubulok na ang katawan. (Ju 11:39) May maling paniniwala ang mga Judio noon na pagkamatay ng isang tao, tatlong araw na mananatili ang kaluluwa sa katawan niya bago ito umalis. Kahit ang mga naniniwala dito ay siguradong humanga sa himalang ginawa ni Jesus kay Lazaro.—Ju 12:9, 10, 17.

      nakalibing: O “nasa alaalang libingan.”—Tingnan sa Glosari, “Alaalang libingan.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share