-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Alam kong mabubuhay siyang muli: Iniisip ni Marta na ang tinutukoy ni Jesus ay ang pagkabuhay-muli sa hinaharap, sa huling araw. (Tingnan ang study note sa Ju 6:39.) Kahanga-hanga ang pananampalataya ni Marta sa turong iyon. Itinuturo kasi ng ilang lider ng relihiyon noon, ang mga Saduceo, na walang pagkabuhay-muli, kahit pa malinaw itong itinuturo ng Kasulatan. (Dan 12:13; Mar 12:18) Naniniwala naman ang mga Pariseo sa imortalidad ng kaluluwa. Gayunman, alam ni Marta na itinuturo ni Jesus ang pagkabuhay-muli at may mga binuhay pa ngang muli si Jesus, pero wala pang katulad ni Lazaro, na ilang araw nang patay.
-