Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Juan 12:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 At kumuha si Maria ng isang libra* ng mabangong langis na gawa sa nardo,* puro at napakamamahalin, at ibinuhos iyon sa mga paa ni Jesus at pinunasan ang mga paa nito ng kaniyang buhok. Amoy na amoy sa buong bahay ang mabangong langis.+

  • Juan 12:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Nang magkagayon, kumuha si Maria ng isang librang mabangong langis, tunay na nardo,+ napakamamahalin, at pinahiran niya ang mga paa ni Jesus at pinunasan ang kaniyang mga paa ng kaniyang buhok.+ Ang bahay ay napuno ng samyo ng mabangong langis.

  • Juan
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 12:3

      Ang Bantayan,

      3/1/2015, p. 13-14

      5/1/2008, p. 31

      4/15/2000, p. 31

      10/15/1989, p. 8-9

      Jesus—Ang Daan, p. 236

      Bagong Sanlibutang Salin (nwt), p. 1960, 2051

  • Mga Study Note sa Juan—Kabanata 12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 12:3

      Maria: Ang kapatid nina Marta at Lazaro. (Ju 11:1, 2) Siya ang “babae” na tinutukoy sa kaparehong ulat sa Mat 26:7 at Mar 14:3.

      libra: Ang terminong Griego na liʹtra ay karaniwan nang sinasabing ang Romanong libra (mula sa salitang Latin na libra). Kaya ito ay mga 327 g (11.5 oz).—Tingnan ang Ap. B14.

      mabangong langis . . . napakamamahalin: Makikita sa ulat ng Juan na sinabi ni Hudas Iscariote na puwedeng ibenta ang langis na ito sa halagang “300 denario.” (Ju 12:5) Katumbas iyan ng mga isang-taóng sahod ng karaniwang trabahador. Sinasabing ang mabangong langis na ito ay galing sa mabangong halaman (Nardostachys jatamansi) na matatagpuan sa kabundukan ng Himalaya. Ang nardo ay karaniwan nang hinahaluan, o pinepeke pa nga, pero parehong binanggit nina Marcos at Juan na puro ang langis na ginamit ni Maria.—Mar 14:3; tingnan sa Glosari, “Nardo.”

      ibinuhos iyon sa mga paa ni Jesus: Tingnan ang study note sa Mar 14:3.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share