-
Juan 12:12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 Kinabukasan, narinig ng mga pumunta sa Jerusalem para sa kapistahan na darating si Jesus.
-
-
Juan 12:12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 Nang sumunod na araw ang malaking pulutong na pumaroon sa kapistahan, nang marinig nila na si Jesus ay dumarating sa Jerusalem,
-
-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Kinabukasan: Umaga ng Nisan 9, 33 C.E. Nagsimula ang Nisan 9 sa takipsilim ng sinundang araw. Nang gabing iyon, naghapunan si Jesus sa bahay ni Simon na ketongin.—Tingnan ang study note sa Ju 12:1 at Ap. B12.
kapistahan: Gaya ng makikita sa konteksto, ang kapistahang ito ay tumutukoy sa Paskuwa. (Ju 11:55; 12:1; 13:1) Noong panahon ni Jesus, ang Paskuwa, na ipinagdiriwang nang Nisan 14, at ang Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa, na ipinagdiriwang naman mula Nisan 15 hanggang 21 (Lev 23:5, 6; Bil 28:16, 17; tingnan ang Ap. B15), ay masyado nang napag-ugnay kaya ang buong walong araw, mula Nisan 14 hanggang 21, ay itinuturing na lang na iisang kapistahan. (Luc 22:1) May binanggit si Josephus na “walong-araw na kapistahan, na tinatawag na kapistahan ng tinapay na walang pampaalsa.”—Tingnan ang Ap. B12.
-