-
Juan 15:15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 Hindi ko na kayo tinatawag na mga alipin dahil hindi alam ng alipin kung ano ang ginagawa ng panginoon niya, kundi tinatawag ko kayong mga kaibigan dahil sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama.
-
-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Hindi ko na kayo tinatawag na mga alipin: Ang terminong Griego para sa “alipin,” douʹlos, ay karaniwan nang tumutukoy sa isang indibidwal na pag-aari ng kapuwa niya. (Mat 8:9; 10:24, 25; 13:27) Pero puwede rin itong tumukoy sa nakaalay na mga lingkod ng Diyos at ng kaniyang Anak, si Jesu-Kristo, mga tao man (Gaw 2:18; 4:29; Ro 1:1; Gal 1:10) o anghel (Apo 19:10, kung saan ginamit ang synʹdou·los [aliping gaya mo]). Ginagamit din ito para sa mga taong alipin ng kasalanan (Ju 8:34; Ro 6:16-20) o kasiraan (2Pe 2:19). Nang ihandog ni Jesus ang perpektong buhay niya, ginamit niya ang halaga ng dugong iyon para bilhin ang buhay ng lahat ng sumusunod sa kaniya. Kaya hindi na pag-aari ng mga Kristiyano ang sarili nila; sila ay mga “alipin [na] ni Kristo.” (Efe 6:6; 1Co 6:19, 20; 7:23; Gal 3:13) Kahit tinawag ni Jesus na kaibigan ang mga apostol niya, mga alipin niya sila dahil tinubos niya sila mula sa kasalanan. May mga pagkakataon ding ginamit niya ang terminong “alipin” para tumukoy sa mga tagasunod niya.—Ju 15:20.
-