-
Juan 17:19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
19 At pinananatili kong banal ang sarili ko alang-alang sa kanila, para sila rin ay maging banal sa pamamagitan ng katotohanan.
-
-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
pinananatili kong banal ang sarili ko: O “ibinubukod ko ang sarili ko.” Banal si Jesus nang isilang siya bilang tao (Luc 1:35), at napanatili niya ang kabanalang iyon sa buong buhay niya sa lupa (Gaw 4:27; Heb 7:26). Dahil walang kapintasan ang naging pamumuhay niya, pati na ang kaniyang haing pantubos, naging posible para sa mga tagasunod niya na maging banal—nakabukod para sa paglilingkod sa Diyos. Kaya masasabi ni Jesus sa panalangin niya sa kaniyang Ama na pinananatili niyang banal ang sarili niya alang-alang sa kanila. Ang mga tagasunod ni Jesus ay nagiging banal sa pamamagitan ng katotohanan kapag sinusunod nilang mabuti ang halimbawa niya at namumuhay sila ayon sa mga katotohanang itinuro niya at sa mga katotohanang nasa Salita ng Diyos, ang Bibliya. (Ju 17:17; 2Ti 2:20, 21; Heb 12:14) Pero hindi sila nagiging banal sa sarili nilang pagsisikap, kundi sa pamamagitan lang ni Jesu-Kristo.—Ro 3:23-26; Heb 10:10.
-