Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Juan 18:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Pagkasabi nito, tinawid ni Jesus at ng mga alagad niya ang Lambak ng Kidron*+ para pumunta sa isang hardin, at pumasok sila roon.+

  • Juan 18:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Pagkasabi ng mga bagay na ito, lumabas si Jesus na kasama ang kaniyang mga alagad patawid sa agusang-taglamig ng Kidron+ kung saan may isang hardin, at siya at ang kaniyang mga alagad ay pumasok doon.+

  • Juan
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 18:1

      Ang Bantayan,

      10/1/1990, p. 8

  • Mga Study Note sa Juan—Kabanata 18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 18:1

      Lambak ng Kidron: Dito lang makikita sa Kristiyanong Griegong Kasulatan ang Lambak ng Kidron. Pinaghihiwalay nito ang Jerusalem at Bundok ng mga Olibo. Dumadaloy ito sa silangang panig ng lunsod, mula sa hilaga patimog. Karaniwan nang walang tubig sa Lambak ng Kidron kahit taglamig, maliban na lang kung napakalakas ng ulan. Ang salitang Griego na kheiʹmar·ros, isinalin ditong “lambak,” ay literal na tumutukoy sa isang ilog na malakas ang daloy tuwing umuulan nang malakas kapag taglamig. Ang salitang Griegong ito ay ginamit nang mahigit 80 beses sa Septuagint para ipanumbas sa salitang Hebreo na naʹchal, ang salitang ginagamit para sa “lambak” kapag tinutukoy ang Lambak ng Kidron sa Hebreong Kasulatan. (2Sa 15:23; 1Ha 2:37) Ang mga salitang ito sa Hebreo at Griego para sa “lambak” ay parehong puwedeng tumukoy sa isang sapa o ilog. (Deu 10:7; Job 6:15; Isa 66:12; Eze 47:5) Pero kadalasan na, tumutukoy ang mga salitang ito sa lambak na dinadaluyan ng tubig kapag umuulan sa panahon ng taglamig. (Bil 34:5; Jos 13:9; 17:9; 1Sa 17:40; 1Ha 15:13; 2Cr 33:14; Ne 2:15; Sol 6:11) Parehong madalas isalin ang mga salitang ito na “wadi.”—Tingnan sa Glosari, “Wadi.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share