3 Kaya isinama roon ni Hudas ang mga sundalo at ang mga guwardiya ng mga punong saserdote at mga Pariseo, at may dala silang mga sulo, lampara, at sandata.+
3 Sa gayon ay dinala ni Hudas ang pangkat ng mga kawal at ang mga opisyal ng mga punong saserdote at ng mga Pariseo at dumating doon na may mga sulo at mga lampara at mga sandata.+
sundalo: Ang paggamit dito ng salitang Griego na speiʹra ay nagpapakitang may mga sundalong Romano noong gabing arestuhin si Jesus. Sa apat na manunulat ng Ebanghelyo, si Juan lang ang bumanggit ng detalyeng ito.—Ju 18:12.