Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Juan 18:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Pagkatapos, hinugot ni Simon Pedro ang dala niyang espada at tinaga ang alipin ng mataas na saserdote, at natagpas ang kanang tainga nito.+ Ang pangalan ng alipin ay Malco.

  • Juan 18:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Nang magkagayon, yamang siya ay may tabak, hinugot iyon ni Simon Pedro at tinaga ang alipin ng mataas na saserdote at pinutol ang kanang tainga nito.+ Ang pangalan ng alipin ay Malco.

  • Juan
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 18:10

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 887

      Jesus—Ang Daan, p. 284

      Ang Bantayan,

      4/1/1998, p. 14-15

      10/15/1990, p. 8

      Aklat Para sa Lahat, p. 16-17

  • Mga Study Note sa Juan—Kabanata 18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 18:10

      tinaga ang alipin ng mataas na saserdote: Iniulat ng apat na manunulat ng Ebanghelyo ang pangyayaring ito, at nagbigay sila ng magkakaibang detalye tungkol dito. (Mat 26:51; Mar 14:47; Luc 22:50) Si Lucas lang, “ang minamahal na doktor” (Col 4:14), ang bumanggit na “hinipo [ni Jesus] ang tainga nito at pinagaling.” (Luc 22:51) Si Juan lang ang manunulat ng Ebanghelyo na nagsabing si Simon Pedro ang tumaga sa alipin at na Malco ang pangalan ng alipin na natagpasan ng tainga. Maliwanag na si Juan ang alagad na “kilala ng mataas na saserdote” at ng sambahayan nito (Ju 18:15, 16), kaya natural lang na mapangalanan niya sa Ebanghelyo niya ang tinagang alipin. Makikita rin sa Ju 18:26 na talagang pamilyar si Juan sa sambahayan ng mataas na saserdote, dahil iniulat niya dito na ang aliping nag-akusa kay Pedro na alagad ito ni Jesus ay “kamag-anak ng lalaking natagpasan ni Pedro ng tainga.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share