-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
isa pang alagad: Lumilitaw na tumutukoy kay apostol Juan. Kaayon ito ng istilo ng pagsulat ni Juan sa Ebanghelyo niya; hindi niya talaga pinapangalanan ang sarili niya. (Tingnan ang study note sa Ju 13:23; 19:26; 20:2; 21:7; 21:20.) Isa pa, makikita sa ulat ng Ju 20:2-8 na si Juan ang kasama ni Pedro matapos buhaying muli si Jesus. Hindi ipinapaliwanag ng Bibliya kung bakit kilala ng mataas na saserdote ang alagad na si Juan, na mula sa Galilea, pero dahil kilala ni Juan ang sambahayan ng mataas na saserdote, pinapasok siya ng bantay sa pinto at naipasok din niya sa looban si Pedro.—Ju 18:16.
-