Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Juan 18:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 Pagkatapos, dinala nila si Jesus mula kay Caifas papunta sa bahay ng gobernador.+ Umaga na noon. Pero hindi sila pumasok sa bahay ng gobernador para hindi sila madungisan+ at sa gayon ay makakain sila ng hapunan para sa Paskuwa.

  • Juan 18:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 Nang magkagayon ay dinala nila si Jesus mula kay Caifas patungo sa palasyo ng gobernador.+ Ngayon ay umaga na. Ngunit sila mismo ay hindi pumasok sa palasyo ng gobernador, upang hindi sila madungisan+ at nang makakain ng paskuwa.

  • Juan
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 18:28

      Kaunawaan, p. 339, 770

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 542, 863, 969-970

      Jesus—Ang Daan, p. 290-291

      ‘Mabuting Lupain’, p. 30-31

      Ang Bantayan,

      12/1/1990, p. 8

  • Mga Study Note sa Juan—Kabanata 18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 18:28

      bahay ng gobernador: Tingnan ang study note sa Mat 27:27.

      Umaga na noon: Umaga ng Nisan 14, ang araw kung kailan nilitis at pinatay si Jesus. Nagsimula ang Paskuwa sa gabi ng sinundang araw, at gaya ng mababasa sa ibang Ebanghelyo, ipinagdiwang ni Jesus at ng mga alagad niya ang Paskuwa nang gabing iyon. (Mat 26:18-20; Mar 14:14-17; Luc 22:15) Kaya sa talatang ito, ang binanggit na hapunan para sa Paskuwa ay maliwanag na tumutukoy sa hapunan ng Nisan 15, ang unang araw ng Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Noong panahon ni Jesus, ang Paskuwa (Nisan 14) at ang kasunod na Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa (Nisan 15-21) ay itinuturing kung minsan na iisang kapistahan lang at tinatawag na “Paskuwa.”—Luc 22:1.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share