Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Juan 18:37
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 37 Kaya sinabi ni Pilato: “Kung gayon, hari ka nga ba?” Sumagot si Jesus: “Ikaw mismo ang nagsasabi na ako ay hari.+ Ipinanganak ako at dumating sa sanlibutan para magpatotoo tungkol sa katotohanan.+ Bawat isa na nasa panig ng katotohanan ay nakikinig sa tinig ko.”

  • Juan 18:37
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 37 Sa gayon ay sinabi ni Pilato sa kaniya: “Kung gayon nga, ikaw ba ay isang hari?” Sumagot si Jesus: “Ikaw mismo ang nagsasabing ako ay isang hari.+ Dahil dito ay ipinanganak ako, at dahil dito ay dumating ako sa sanlibutan, upang ako ay magpatotoo sa katotohanan.+ Bawat isa na nasa panig ng katotohanan+ ay nakikinig sa aking tinig.”+

  • Juan
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 18:37

      Masayang Buhay Magpakailanman, aralin 18

      Ang Bantayan (Pag-aaral),

      3/2020, p. 18

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 1209-1210

      Workbook sa Buhay at Ministeryo,

      10/2018, p. 7

      Jesus—Ang Daan, p. 292

      Ang Bantayan,

      1/1/2005, p. 14-16

      10/1/2003, p. 9-10

      8/1/2003, p. 12

      7/15/2002, p. 16

      3/1/2002, p. 13

      12/15/1990, p. 8

      1/15/1990, p. 16

      Tagapaghayag, p. 20

      Mabuhay Magpakailanman, p. 60, 115-116

  • Mga Study Note sa Juan—Kabanata 18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 18:37

      Ikaw mismo ang nagsasabi na ako ay hari: Kinukumpirma dito ni Jesus na isa siyang hari. (Mat 27:11; ihambing ang study note sa Mat 26:25, 64.) Pero iba ang pagkahari ni Jesus sa iniisip ni Pilato, dahil ang Kaharian ni Jesus ay “hindi bahagi ng sanlibutang ito” at hindi banta sa Roma.—Ju 18:33-36.

      magpatotoo: Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, malawak ang kahulugan ng mga salitang Griego na isinasaling “magpatotoo” (mar·ty·reʹo) at “maging saksi” (mar·ty·riʹa; marʹtys). Ang magkaugnay na mga terminong ito ay pangunahin nang nangangahulugang pagbibigay ng patotoo batay sa kaalaman ng isang tao o tungkol sa isang bagay na siya mismo ang nakakita, pero puwede rin itong mangahulugan na “paghahayag; pagkumpirma; pagbibigay ng mabuting ulat.” Bukod sa pagpapatotoo at paghahayag ni Jesus sa mga katotohanang pinaniniwalaan niya, makikita rin sa paraan ng pamumuhay niya na mahalaga sa kaniya na magkatotoo ang mga hula at pangako ng kaniyang Ama. (2Co 1:20) Detalyadong inihula ang layunin ng Diyos na may kaugnayan sa Kaharian at sa Mesiyanikong Tagapamahala nito. Mula sa pasimula ng buhay ni Jesus sa lupa hanggang sa kamatayan niya, makikitang natupad ang lahat ng hula tungkol sa kaniya, kasama na ang mga bagay na inilalarawan ng tipang Kautusan. (Col 2:16, 17; Heb 10:1) Kaya sa salita at gawa, masasabing si Jesus ay ‘nagpatotoo tungkol sa katotohanan.’

      katotohanan: Ang tinutukoy ni Jesus ay hindi ang katotohanan sa pangkalahatan, kundi ang katotohanan na may kaugnayan sa layunin ng Diyos. Ang isang mahalagang bahagi ng layunin ng Diyos ay ang paglilingkod ni Jesus, ang “anak ni David,” bilang Mataas na Saserdote at Tagapamahala ng Kaharian ng Diyos. (Mat 1:1) Ipinaliwanag ni Jesus na ang paghahayag ng katotohanan tungkol sa Kaharian ay isa sa mga pangunahing dahilan ng pagpunta niya sa sanlibutan, ng pamumuhay niya sa lupa, at ng kaniyang ministeryo. Ganiyan ding mensahe ang inihayag ng mga anghel bago at sa mismong panahong ipinanganak si Jesus sa Betlehem ng Judea, ang lunsod kung saan isinilang si David.—Luc 1:32, 33; 2:10-14.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share