-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Ano ang katotohanan?: Lumilitaw na katotohanan sa pangkalahatan ang itinatanong ni Pilato, hindi ang espesipikong “katotohanan” na tinutukoy ni Jesus. (Ju 18:37) Kung taimtim siya sa pagtatanong, siguradong sinagot siya ni Jesus. Pero malamang na hindi naman talaga humihingi ng sagot si Pilato at hindi siya naniniwala na may katotohanan. Para bang sinasabi niya, “Katotohanan? Ano ’yon? Walang gano’n!” Ang totoo, hindi man lang naghintay ng sagot si Pilato, kundi umalis siya agad at pinuntahan ang mga Judio.
-