-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
may kaugalian kayo na magpapalaya ako ng isang tao: Ang kaugalian na magpalaya ng isang bilanggo ay binanggit din sa Mat 27:15 at Mar 15:6. Lumilitaw na galing ito sa mga Judio dahil sinabi ni Pilato sa kanila: “May kaugalian kayo.” Hindi ito iniutos sa Hebreong Kasulatan, at wala ring ganitong pangyayari na nakaulat doon. Pero lumilitaw na noong panahon ni Jesus, may ganito nang tradisyon ang mga Judio. Hindi bago sa mga Romano ang ganitong kaugalian, dahil may mga ebidensiyang nagpapalaya talaga sila ng mga bilanggo para mapasaya ang mga tao.
-