-
Juan 19:20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
20 Maraming Judio ang nakabasa nito, dahil malapit sa lunsod ang lugar kung saan ipinako si Jesus sa tulos, at nakasulat ito sa wikang Hebreo, Latin, at Griego.
-
-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Hebreo: Tingnan ang study note sa Ju 5:2.
Latin: Dito lang espesipikong binanggit ang wikang Latin sa Bibliya. Noong panahon ni Jesus, Latin ang wikang ginagamit ng mga Romanong awtoridad sa Israel. Hindi ito ang wikang karaniwang ginagamit ng mga tao, pero ito ang ginagamit sa opisyal na mga inskripsiyon. Iba-iba ang wikang ginagamit noon, at posibleng ito ang dahilan kaya ipinasulat ni Pilato sa opisyal na Latin, pati na sa Hebreo at Griego (Koine), ang nasa ulunan ni Jesus noong patayin siya, gaya ng binabanggit sa Ju 19:19. Maraming salita at ekspresyon sa Kristiyanong Griegong Kasulatan ang mula sa Latin.—Tingnan sa Glosari; “Introduksiyon sa Marcos.”
-