-
Juan 19:27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
27 At sinabi niya sa alagad: “Tingnan mo! Ang iyong ina!” Mula noon, kinupkop na ng alagad sa sarili niyang tahanan ang ina ni Jesus.
-
-
Juan 19:27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
27 Sumunod ay sinabi niya sa alagad: “Tingnan mo! Ang iyong ina!” At mula nang oras na iyon ay tinanggap siya ng alagad sa kaniyang sariling tahanan.
-
-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
sinabi niya sa alagad: “Tingnan mo! Ang iyong ina!”: Dahil mahal ni Jesus ang kaniyang inang si Maria (na lumilitaw na biyuda na) at nagmamalasakit siya rito, ipinagkatiwala niya ito sa minamahal niyang apostol na si Juan. (Tingnan ang study note sa Ju 13:23.) Siguradong gustong matiyak ni Jesus na mailalaan kay Maria, hindi lang ang pisikal at materyal na pangangailangan nito, kundi lalo na ang espirituwal. Subók na ang pananampalataya ni apostol Juan, samantalang hindi pa malinaw kung mánanampalatayá na noon ang mga kapatid ni Jesus.—Mat 12:46-50; Ju 7:5.
-