Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Juan 19:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 May isang lalagyan doon na punô ng maasim na alak. Kaya naglagay sila ng espongha na punô ng maasim na alak sa isang tangkay ng isopo* at inilapit iyon sa bibig niya.+

  • Juan 19:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 May isang sisidlang nakalapag doon na punô ng maasim na alak. Sa gayon ay naglagay sila ng espongha na punô ng maasim na alak sa isang tangkay ng isopo at inilapit iyon sa kaniyang bibig.+

  • Juan
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 19:29

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 1103-1104

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 1199

  • Mga Study Note sa Juan—Kabanata 19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 19:29

      maasim na alak: Tingnan ang study note sa Mat 27:48.

      tangkay ng isopo: Ang salitang Griego na hysʹso·pos, na karaniwang isinasaling “isopo,” ay dalawang beses lang mababasa sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, dito at sa Heb 9:19. Iba-iba ang opinyon ng mga iskolar sa kung anong halaman ang tinutukoy sa Ju 19:29. Iniisip ng ilan na ito rin ang halaman na karaniwang tinatawag na “isopo” sa Hebreong Kasulatan, na ipinapalagay ng marami na ang marjoram, o Origanum maru; Origanum syriacum. (Lev 14:2-7; Bil 19:6, 18; Aw 51:7) Ang isopong ito ang ginamit ng mga Israelitang nasa Ehipto nang ipahid nila ang dugo ng mga hain para sa Paskuwa sa itaas na bahagi ng pasukan ng bahay nila at sa dalawang poste nito. (Exo 12:21, 22) Dahil ginamit ito sa pagdiriwang ng Paskuwa, ipinapalagay ng ilan na may makukuhang ganitong halaman noong patayin si Jesus. Pero iniisip ng ilan na malambot ang tangkay ng marjoram para kayanin nito ang bigat ng espongha na isinawsaw sa alak at maikli ito para umabot ang espongha sa bibig ni Jesus. May nag-iisip naman na ang isopong tinutukoy dito ay posibleng isang bungkos ng marjoram na ikinabit sa isang tambo para mailapit sa bibig ni Jesus. Kaayon ito ng kaparehong ulat sa Mat 27:48 at Mar 15:36, kung saan binanggit na ang esponghang isinawsaw sa maasim na alak ay inilagay sa “isang tambo.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share