-
Juan 20:16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Sinabi ni Jesus: “Maria!” Nang lumingon siya, sinabi niya sa Hebreo: “Rabboni!” (na ang ibig sabihin ay “Guro!”)
-
-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Hebreo: Tingnan ang study note sa Ju 5:2.
Rabboni!: Salitang Semitiko na nangangahulugang “Aking Guro.” Iniisip ng ilan na noong una, ang “Rabboni” ay mas magalang o mas magiliw na titulo kaysa sa “Rabbi.” Pero dito at sa Ju 1:38, parehong isinalin ni Juan ang mga titulong ito bilang Guro. Noong isulat ni Juan ang Ebanghelyo niya, posibleng nawala na ang espesyal na kahulugan ng hulapi (“-i” na nangangahulugang “aking”) na idinadagdag sa titulong “Rabboni.”
-