-
Juan 21:5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 Nang magkagayon ay sinabi ni Jesus sa kanila: “Mga anak, wala ba kayong anumang makakain?” Sumagot sila sa kaniya ng “Wala!”
-
-
Mga Study Note sa Juan—Kabanata 21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Mga anak: O “Maliliit na anak.” Ang salitang Griego na pai·diʹon (pangmaliit na anyo ng pais, “anak”) ay isang magiliw na pagtawag na posibleng nagpapahiwatig ng nadarama ng isang ama sa kaniyang anak. Dito, ginamit ito para ipakita ang pagkagiliw sa mga kaibigan.
makakain: O “isda.” Dito lang ginamit sa Kristiyanong Griegong Kasulatan ang salitang Griego na pro·sphaʹgi·on. Sa sekular na mga akda, ginagamit ito para tumukoy sa anumang puwedeng ipares sa tinapay. Pero sa kontekstong ito, dahil mga mangingisda ang kausap ni Jesus, maliwanag na tumutukoy ito sa isda.
-