Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Juan 21:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Pagkatapos, sinabi kay Pedro ng alagad na minamahal ni Jesus:+ “Ang Panginoon iyon!” Nang marinig ni Simon Pedro na iyon ang Panginoon, isinuot* niya ang damit niya dahil nakahubad siya, at tumalon siya sa lawa.

  • Juan 21:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Sa gayon ang alagad na iyon na minamahal+ ni Jesus ay nagsabi kay Pedro:+ “Ang Panginoon iyon!” Kaya si Simon Pedro, sa pagkarinig na iyon ang Panginoon, ay nagbigkis ng kaniyang pang-itaas na kasuutan, sapagkat siya ay hubad, at tumalon sa dagat.

  • Mga Study Note sa Juan—Kabanata 21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 21:7

      alagad na minamahal ni Jesus: Ang isa na mahal na mahal ni Jesus. Ito ang ikaapat sa limang pagbanggit sa alagad na “minamahal ni Jesus.” (Ju 13:23; 19:26; 20:2; 21:7, 20) Naniniwala ang marami na ang alagad na ito ay si apostol Juan, ang anak ni Zebedeo at kapatid ni Santiago.—Mat 4:21; Mar 1:19; Luc 5:10; Ju 21:2; para sa paliwanag kung bakit sinasabing ito si apostol Juan, tingnan ang study note sa Ju 13:23; 21:20.

      nakahubad: Ang salitang Griego na gy·mnosʹ ay puwedeng mangahulugang “nakasuot lang ng panloob.”—Mar 14:52, tlb.; tingnan ang study note sa Mat 25:36.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share