Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawa 1:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 1 Ang unang ulat na binuo ko, O Teofilo, ay tungkol sa lahat ng ginawa at itinuro ni Jesus+

  • Gawa 1:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 1 Ang unang ulat, O Teofilo,+ ay aking binuo tungkol sa lahat ng bagay na kapuwa pinasimulan ni Jesus na gawin at ituro,+

  • Gawa
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 1:1

      Lubusang Magpatotoo, p. 15

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 803

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 1297

      Ang Bantayan,

      11/15/2007, p. 19

      “Lahat ng Kasulatan,” p. 187

  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:1

      Ang unang ulat: Ang tinutukoy dito ni Lucas ay ang Ebanghelyo niya ng buhay ni Jesus. Doon, nagpokus si Lucas sa “lahat ng ginawa at itinuro ni Jesus.” Sa aklat ng Gawa, ipinagpatuloy ni Lucas ang ulat at nagpokus siya sa mga sinabi at ginawa ng mga tagasunod ni Jesus. Pareho ang istilo at pananalita na ginamit sa mga ulat na ito, at pareho itong para kay Teofilo. Hindi tuwirang sinabi kung talagang alagad ni Kristo si Teofilo. (Tingnan ang study note sa Luc 1:3.) Sinimulan ni Lucas ang aklat ng Gawa sa pagsusumaryo ng marami sa mga pangyayaring nakaulat sa katapusan ng Ebanghelyo niya. Kaya maliwanag na ang ikalawang ulat na ito ay karugtong ng naunang ulat niya. Pero sa sumaryong ito, ibang pananalita ang ginamit ni Lucas at nagbigay siya ng karagdagang mga detalye.—Ihambing ang Luc 24:49 sa Gaw 1:1-12.

      Teofilo: Para sa taong ito ang Ebanghelyo ni Lucas at ang Gawa ng mga Apostol. Sa Luc 1:3, tinawag siyang “kagalang-galang.”—Para sa higit pang impormasyon tungkol kay Teofilo at sa paggamit ng ekspresyong “kagalang-galang,” tingnan ang study note sa Luc 1:3.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share