-
Gawa 2:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 At gayunma’y paano ngang naririnig natin, ng bawat isa sa atin, ang kaniyang sariling wika na kinapanganakan natin?
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
wika ng bawat isa sa atin: O “katutubong wika natin.” Ang salitang Griego na isinalin ditong “wika” ay di·aʹle·ktos. (Tingnan ang study note sa Gaw 2:4.) Marami sa mga nakarinig sa mga alagad ay malamang na nagsasalita ng isang internasyonal na wika, posibleng Griego. Dahil sila ay “makadiyos na mga Judio,” posibleng naiintindihan din nila ang mga itinuturo sa templo sa Jerusalem na nasa wikang Hebreo. (Gaw 2:5) Pero nakuha ang atensiyon nila nang marinig nila ang mabuting balita sa wikang nakagisnan nila.
-