-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
pitong lalaki . . . na may mabuting reputasyon: O “pitong lalaki . . . na may mabuting ulat mula sa mga tao.” Ginamit dito ang anyong passive ng pandiwang Griego na mar·ty·reʹo (“magpatotoo”). Mga kuwalipikadong lalaki ang kailangan dito dahil malamang na hindi lang ito basta pagpapakain, kundi kasama na rin ang paghawak ng pera, pagbili ng suplay, at pag-iingat ng rekord. Masasabing ang mga lalaking ito ay puspos ng espiritu at karunungan, dahil nakikita sa pamumuhay nila na ginagabayan sila ng espiritu at karunungan ng Diyos. Napapaharap sila sa isang sensitibong isyu. May mga problema at di-pagkakaunawaan na sa kongregasyon noon, kaya kailangan ng mga lalaking makaranasan na mahusay magdesisyon, matalino, at may kaunawaan. Isa sa kanila si Esteban, at makikita sa pagtatanggol niya sa harap ng Sanedrin na talagang kuwalipikado siya para dito.—Gaw 7:2-53.
-