Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawa 7:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Kaya ipinasundo ni Jose sa Canaan ang ama niyang si Jacob at ang lahat ng kamag-anak niya+—lahat-lahat ay 75.+

  • Gawa 7:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Kaya nagsugo si Jose at tinawag si Jacob na kaniyang ama at ang lahat ng kaniyang mga kamag-anak mula sa dakong iyon,+ na may bilang na pitumpu’t limang kaluluwa.+

  • Gawa
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 7:14

      Ang Bantayan,

      9/15/2002, p. 27

  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7:14

      lahat-lahat ay 75: Posibleng hindi sumipi si Esteban ng partikular na teksto sa Hebreong Kasulatan nang sabihin niya na 75 lahat-lahat ang miyembro ng pamilya ni Jacob sa Ehipto. Hindi makikita ang bilang na ito sa tekstong Masoretiko ng Hebreong Kasulatan. Sinasabi sa Gen 46:26: “Ang lahat ng nagmula kay Jacob at sumama sa kaniya sa Ehipto, bukod pa sa mga asawa ng mga anak ni Jacob, ay 66.” Sinasabi naman sa talata 27: “Ang lahat ng miyembro ng sambahayan ni Jacob na pumunta sa Ehipto ay 70.” Dito, binilang ang sambahayan ni Jacob sa dalawang paraan. Sa unang bilang, lumilitaw na ang kasama lang ay ang mga kadugo ni Jacob. Sa ikalawang bilang naman, posibleng binanggit ang kabuoang bilang ng pumunta sa Ehipto. Sa Exo 1:5 at Deu 10:22, “70” rin ang binanggit na bilang ng miyembro ng sambahayan ni Jacob. Kaya lumilitaw na kasama sa bilang na binanggit ni Esteban ang iba pang kamag-anak ni Jacob. Sinasabi ng ilan na kasama rito ang mga anak at apo ng mga anak ni Jose na sina Manases at Efraim, na binanggit sa Gen 46:20 ng Septuagint. Sinasabi naman ng ilan na kasama rito ang mga manugang ni Jacob, na hindi isinama sa bilang na nasa Gen 46:26. Kaya posibleng ang “75” ay ang kabuoang bilang. Pero posible rin na may basehan ang bilang na ito sa mga kopya ng Hebreong Kasulatan na ginagamit noong unang siglo C.E. Matagal nang alam ng mga iskolar na “75” ang bilang na binanggit sa Gen 46:27 at Exo 1:5 sa Griegong Septuagint. Bukod diyan, nitong ika-20 siglo, dalawang piraso mula sa Dead Sea Scroll na naglalaman ng Exo 1:5 sa wikang Hebreo ang natagpuan, at “75” rin ang mababasa sa mga ito. Puwedeng nakuha ni Esteban ang bilang na binanggit niya sa alinman sa mga manuskritong iyon. Anuman ang tama sa mga ito, ipinapakita lang ng bilang na binanggit ni Esteban ang iba pang paraan ng pagbilang sa mga miyembro ng pamilya ni Jacob.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share