-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
40 taon: Hindi sinasabi ng Hebreong Kasulatan kung gaano katagal nanatili si Moises sa Midian. Pero may mga sinabi si Esteban tungkol sa kasaysayan ng mga Judio na hindi pa nakaulat noon sa Kasulatan. Sinabi niya na 40 taóng gulang si Moises nang tumakas ito papuntang Midian (Exo 2:11; Gaw 7:23) at na nanatili ito roon nang mga 40 taon. Kaya lumilitaw na naroon siya mula 1553 hanggang 1513 B.C.E. Ang sinabi ni Esteban ay kaayon ng ulat na 80 taóng gulang si Moises nang kausapin niya ang Paraon (Exo 7:7) at nang akayin niya ang bayan ng Israel palabas ng Ehipto. Kaayon din ito ng ulat na 120 taóng gulang si Moises nang mamatay siya pagkatapos ng 40-taóng pananatili sa ilang.—Deu 34:7; Gaw 7:36.
isang anghel: Ang tinutukoy dito ni Esteban ay ang ulat sa Exo 3:2, kung saan ang mababasa sa orihinal na tekstong Hebreo ay “anghel ni Jehova.” Ang mababasa sa Gaw 7:30 sa karamihan ng mga manuskritong Griego ay “isang anghel,” pero ang mababasa sa ilang manuskrito at sinaunang salin ay “isang anghel ng Panginoon [o, “ni Jehova”].” Sa maraming Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan (may code na J7, 8, 10-12, 14-17, 28 sa Ap. C4), ginamit ang Tetragrammaton sa talatang ito at ang mababasa ay “anghel ni Jehova.”
-