-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
tagapagligtas: O “manunubos; tagapagpalaya.” Ang salitang Griego na ly·tro·tesʹ ay mula sa pandiwang ly·troʹo·mai, na nangangahulugang “palayain; iligtas.” Kaugnay rin ito ng pangngalang lyʹtron, na nangangahulugang “pantubos.” (Tingnan ang study note sa Mat 20:28.) Ang pandiwa ay ginagamit para tumukoy sa paglaya sa pamamagitan ni Jesu-Kristo (Luc 24:21; Tit 2:14, tlb.; 1Pe 1:18, tlb.), ang inihulang propeta na gaya ni Moises (Deu 18:15; Gaw 7:37). Kung paanong si Moises ang tagapagligtas ng mga Israelita mula sa Ehipto, si Jesu-Kristo naman ang Tagapagligtas ng buong sangkatauhan sa pamamagitan ng kaniyang haing pantubos.
-