-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Josue: Ang lider ng Israel na nanguna sa mga Israelita papasók sa Lupang Pangako. (Deu 3:28; 31:7; Jos 1:1, 2) Ang pangalang Hebreo na Jehosua at ang pinaikling anyo nito na Josue ay nangangahulugang “Si Jehova ay Kaligtasan.” Ginamit dito ni Lucas ang katumbas nito sa Griego, I·e·sousʹ. Ang pangalang ito sa Latin ay Jesus (Iesus). (Tingnan ang Ap. A4.) Karaniwan lang ang pangalang ito sa mga Judio noong panahon ng Bibliya. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, apat na tao ang may Griegong pangalan na I·e·sousʹ: si Josue, na anak ni Nun at humalili kay Moises (Gaw 7:45; Heb 4:8); isang ninuno ni Jesu-Kristo (Luc 3:29); si Jesu-Kristo mismo (Mat 1:21); at isang Kristiyano, na kamanggagawa ni Pablo at lumilitaw na isang Judio (Col 4:11). Bukod sa mga makikita sa Bibliya, may iba pang binanggit si Josephus na ganito rin ang pangalan.
-