-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
isang pangitain: Ang salitang Griego na ekʹsta·sis (mula sa ek, na nangangahulugang “nawala,” at staʹsis, na nangangahulugang “pagkakatayo”) ay tumutukoy sa isang tao na nawala sa normal na pag-iisip dahil sa pagkamangha o sa isang pangitain mula sa Diyos. Ang salitang Griego ay isinasalin ding “nag-umapaw sa saya” (Mar 5:42) at “manghang-mangha” (Mar 16:8; Luc 5:26). Sa aklat ng Gawa, iniuugnay ang salitang ito sa pagkilos ng Diyos. Lumilitaw na kung minsan, ang banal na espiritu ay naglalagay sa isip ng isang tao ng isang pangitain o larawan tungkol sa layunin ng Diyos habang ito ay nag-iisip nang malalim o nasa kalagayan na parang natutulog. Habang nakakakita ng pangitain ang isang tao, hindi na niya alam kung ano ang nangyayari sa paligid niya kaya mas nakakapagpokus siya sa pangitain.—Tingnan ang study note sa Gaw 22:17.
-