-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
tumanggap ng banal na espiritu ang lahat ng nakikinig sa mensahe: Ito ang nag-iisang iniulat na pagkakataon na ibinuhos ang banal na espiritu sa mga alagad bago sila mabautismuhan. Sa pagkakataon ding ito, malaking papel ang ginampanan ni Pedro sa pagkumberte kay Cornelio at sa pamilya niya, na mga di-Judio. Kaya ginamit dito ni Pedro ang ikatlo sa “mga susi ng Kaharian ng langit” para pasimulan ang pangangaral sa napakaraming Gentil—mga di-Judio, hindi Judiong proselita, at hindi Samaritano—at mabigyan sila ng pagkakataong pumasok sa Kaharian ng Diyos. Ginamit ni Pedro ang una sa mga susing iyon para sa mga Judio at Judiong proselita, at ang ikalawa naman, para sa mga Samaritano.—Gaw 2:22-41; 8:14-17; tingnan ang study note sa Mat 16:19.
-