-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Kung loloobin ni Jehova: Idiniriin ng ekspresyong ito na napakahalagang isaalang-alang ang kalooban ng Diyos kapag gumagawa o nagpaplano ng isang bagay. Laging nasa isip ni apostol Pablo ang prinsipyong iyan. (1Co 4:19; 16:7; Heb 6:3) Pinasigla rin ng alagad na si Santiago ang mga mambabasa niya na sabihin: “Kung kalooban ni Jehova, mabubuhay kami at gagawin namin ito o iyon.” (San 4:15) Hindi lang ito basta sinasabi. Kung taimtim ang isa sa pagsasabing “kung loloobin ni Jehova,” kikilos siya ayon sa kalooban ni Jehova. Hindi naman kailangan na lagi itong sabihin nang malakas kundi kahit sa puso lang.—Tingnan ang study note sa Gaw 21:14; 1Co 4:19; San 4:15 at introduksiyon sa Ap. C3; Gaw 18:21.
-