-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
mga proconsul: Ang proconsul ang pinakamataas na gobernador ng isang lalawigan na nasa ilalim ng Senado ng Roma. Puwede siyang humatol, at may kapangyarihan din siya sa militar. At kahit puwedeng repasuhin ng Senado ang mga desisyon niya, siya pa rin ang pinakamataas na opisyal sa lalawigan. Isa lang ang proconsul sa bawat lalawigan; maliwanag na kaya lang ginamit ang anyong pangmaramihan ay dahil walang espesipikong proconsul na tinutukoy rito. Efeso ang kabisera ng Romanong lalawigan ng Asia, at doon nakatira ang proconsul.—Tingnan sa Glosari, “Asia.”
-