-
Gawa 28:4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Nang makita ng mga taong may wikang banyaga ang makamandag na hayop na nakabitin sa kaniyang kamay, sila ay nagsimulang magsabi sa isa’t isa: “Tiyak na ang taong ito ay isang mamamaslang, at bagaman nakarating siyang ligtas mula sa dagat, hindi ipinahintulot ng mapaghiganting katarungan na patuloy siyang mabuhay.”
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 28Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Katarungan: Dito, ang salitang Griego para sa “Katarungan” ay diʹke. Posibleng tumutukoy ito sa konsepto ng katarungan o sa diyosa na naghihiganti para sa katarungan. Sa mitolohiyang Griego, si Dike ang diyosa ng katarungan. Sinasabing binabantayan niya ang ginagawa ng mga tao at iniuulat ang mga kawalang-katarungan na hindi nakarating kay Zeus para maparusahan ang may-sala. Posibleng naisip ng mga taga-Malta na kahit nakaligtas si Pablo sa pagkawasak ng barko, hindi pa rin siya nakatakas sa kasalanan niya dahil pinarusahan siya ng diyos sa pamamagitan ng isang ahas.
-