-
Gawa 28:13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 mula roon, naglayag kami at nakarating sa Regio. Pagkaraan ng isang araw, humihip ang hangin mula sa timog at nakarating kami sa Puteoli noong ikalawang araw.
-
-
Gawa 28:13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 at mula sa dakong iyon ay lumigid kami at nakarating sa Regio. At pagkaraan ng isang araw ay dumating ang isang hanging timugan at nakarating kami sa Puteoli noong ikalawang araw.
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 28Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Puteoli: Tinatawag ngayong Pozzuoli. Ang pangunahing daungang ito sa timog-silangan ng Roma ay mga 10 km (6 mi) sa timog-kanluran ng Naples. Makikita pa rin dito ang malalaking guho ng isang sinaunang pangharang sa alon. Tinatawag ito ni Josephus sa dating pangalan nito, Dicaearchia, at sinasabi niyang may kolonya ng mga Judio rito. (Jewish Antiquities, XVII, 328, xii, 1) Nakarating si Pablo sa Puteoli noong mga 59 C.E. bago siya humarap kay Cesar sa Roma. Dumaong ang barko sa Regio (tinatawag ngayong Reggio di Calabria), isang daungang lunsod sa pinakatimog ng Italya sa tapat ng Sicilia, mga 320 km (200 mi) sa timog-silangan ng Puteoli. Ang mga kapatid sa Puteoli ay nakiusap kay Pablo at sa mga kasama niya na manatili muna roon nang isang linggo. (Gaw 28:14) Ipinapakita nito na may kaunting kalayaan si Pablo kahit bilanggo siya.—Tingnan ang Ap. B13.
-