-
Gawa 28:14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 Doon, may nakita kaming mga kapatid at hiniling nila na manatili kami nang pitong araw; pagkatapos, pumunta na kami sa Roma.
-
-
Gawa 28:14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 Dito ay may nasumpungan kaming mga kapatid at pinamanhikan kaming manatili sa kanila nang pitong araw; at sa ganitong paraan ay nakarating kaming malapit sa Roma.
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 28Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
pumunta na kami sa Roma: Aabutin nang isang linggo ang paglalakbay mula Puteoli hanggang Roma, na 245 km (152 mi) ang layo. Mula sa Puteoli, malamang na dumaan si Pablo at ang mga kasama niya sa Capua, at mula roon, naglakbay sila nang 212 km (132 mi) sa Daang Apio (sa Latin, Via Appia) papuntang Roma. Ang Daang Apio ay isinunod sa pangalan ni Appius Claudius Caecus, isang Romanong opisyal, na nagpasimula ng konstruksiyon ng daang ito noong 312 B.C.E. Pinagdugtong nito ang Roma at ang daungan ng Brundisium (Brindisi ngayon), ang daan papuntang silangan. Ang kalakhang bahagi ng Daang Apio ay tinambakan ng malalaking bato mula sa bulkan. May ilang bahagi ng daan na wala pang 3 m (10 ft) ang lapad at ang iba naman ay mahigit 6 m (20 ft). Iba-iba man ang lapad nito, tiniyak ng mga gumawa nito na makakadaan ang dalawang magkasalubong na sasakyan nang hindi kailangang huminto. May mga bahagi ng daan kung saan matatanaw ang Dagat Mediteraneo. Binabagtas nito ang Pontine Marshes, isang maputik na lugar na inireklamo ng isang manunulat na Romano dahil sa mga lamok at mabahong amoy nito. Gumawa ng kanal sa tabi ng daang ito para kapag bumaha, puwedeng sumakay sa bangka ang mga naglalakbay. Sa hilaga ng Pontine Marshes, makikita ang Pamilihan ng Apio, mga 65 km (40 mi) mula sa Roma, at ang Tatlong Taberna, isang pahingahan na mga 50 km (30 mi) ang layo mula sa lunsod.
-