-
Gawa 28:23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
23 Kaya nagsaayos sila ng isang araw para makita siya, at mas marami sila ngayon na nagpunta sa tinutuluyan niya. Mula umaga hanggang gabi, nangaral siya sa kanila sa pamamagitan ng lubusang pagpapatotoo tungkol sa Kaharian ng Diyos at hinikayat niya silang maniwala kay Jesus+ gamit ang Kautusan ni Moises+ at ang mga Propeta.+
-
-
Gawa 28:23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
23 Nagsaayos sila ngayon ng isang araw na kasama niya, at pumaroon sila sa kaniya na may mas malalaking bilang sa kaniyang dakong tuluyan. At ipinaliwanag niya sa kanila ang bagay na ito sa pamamagitan ng lubusang pagpapatotoo tungkol sa kaharian ng Diyos+ at sa pamamagitan ng paggamit ng panghihikayat sa kanila tungkol kay Jesus kapuwa mula sa kautusan ni Moises+ at sa mga Propeta,+ mula umaga hanggang gabi.
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 28Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
sa pamamagitan ng lubusang pagpapatotoo tungkol sa Kaharian ng Diyos: Mas maraming beses na ginamit ng aklat ng Gawa ang mga terminong Griego na marʹtys (“saksi”), mar·ty·reʹo (“magpatotoo”), di·a·mar·tyʹro·mai (“lubusang magpatotoo”), at ang kaugnay na mga salita kumpara sa iba pang aklat ng Bibliya, maliban sa aklat ng Juan. (Tingnan ang study note sa Ju 1:7; Gaw 1:8.) Ang pagiging saksi at ang lubusang pagpapatotoo tungkol sa mga layunin ng Diyos—kasama na ang Kaharian ng Diyos at ang mahalagang papel ni Jesus—ang pinakatema ng aklat ng Gawa.—Gaw 2:32, 40; 3:15; 4:33; 5:32; 8:25; 10:39; 13:31; 18:5; 20:21, 24; 22:20; 23:11; 26:16.
-