-
Roma 1:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 na ipinangako Niya noon at ipinasulat sa Kaniyang mga propeta sa banal na Kasulatan.
-
-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
banal na Kasulatan: Dito, tumutukoy ito sa Hebreong Kasulatan. Kaayon ng talatang ito, kasama sa pamagat ng Bagong Sanlibutang Salin ang ekspresyong “Banal na Kasulatan.” Ang iba pang ekspresyon na ginamit sa Kristiyanong Griegong Kasulatan para sa Hebreong Kasulatan ay “Kasulatan” at “banal na mga kasulatan.” (Mat 21:42; Mar 14:49; Luc 24:32; Ju 5:39; Gaw 18:24; Ro 15:4; 2Ti 3:15, 16) Kung minsan, ginagamit din ang mga terminong “Kautusan” (Ju 10:34; 12:34; 15:25; 1Co 14:21) at “Kautusan at mga Propeta” (Mat 7:12; Luc 16:16) para tumukoy sa buong Hebreong Kasulatan.—Mat 22:40; tingnan ang study note sa Mat 5:17; Ju 10:34.
-