-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
supling: O “inapo.” Lit., “binhi.”—Tingnan ang Ap. A2.
ayon sa laman: Dito, ang salitang Griego para sa “laman” (sarx) ay tumutukoy sa pinagmulang angkan ni Jesus bilang tao sa lupa. Si Maria ay mula sa tribo ni Juda at inapo ni David, kaya tama lang na sabihin na ang anak niyang si Jesus ay supling ni David ayon sa laman. Dahil sa kaniyang ina, siya ay naging “ugat at . . . supling ni David,” o kadugo nito, kaya may karapatan siya sa “trono ni David na kaniyang ama.” (Apo 22:16; Luc 1:32) At dahil si Jose, na inapo rin ni David, ang legal na ama ni Jesus, may legal na karapatan din si Jesus sa trono ni David.—Mat 1:1-16; Gaw 13:22, 23; 2Ti 2:8; Apo 5:5.
-