Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Roma 1:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Dahil sa pamamagitan nito, ang katuwiran ng Diyos ay naisisiwalat sa mga may pananampalataya at lalo pang napapatibay ang kanilang pananampalataya,+ gaya ng nasusulat: “Pero ang matuwid ay mabubuhay dahil sa kaniyang pananampalataya.”+

  • Roma 1:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 sapagkat dito ang katuwiran ng Diyos+ ay nasisiwalat dahil sa pananampalataya+ at tungo sa pananampalataya, gaya ng nasusulat: “Ngunit ang matuwid—sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay siya.”+

  • Roma
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 1:17

      Araw ni Jehova, p. 187-189

  • Mga Study Note sa Roma—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:17

      gaya ng nasusulat: Madalas gamitin ni Pablo ang pariralang ito (sa Griego, ka·thosʹ geʹgra·ptai, anyo ng graʹpho, “sumulat”) bago sumipi mula sa Hebreong Kasulatan. (Ro 2:24; 3:10; 4:17; 8:36; 9:13, 33; 10:15; 11:26; 15:3, 9, 21; 1Co 1:31; 2:9; 2Co 8:15) Sa liham niya sa mga taga-Roma, mahigit 50 ekspresyon ang sinipi ni Pablo mula sa Hebreong Kasulatan, at maraming beses din siyang gumamit ng mga konsepto at kahawig na pananalita mula dito.

      Pero ang matuwid ay mabubuhay dahil sa kaniyang pananampalataya: Sinasabi ng ilan na ang Ro 1:16, 17 ang temang teksto ng aklat ng Roma, dahil mababasa rito ang pinakadiwa ng aklat: Hindi nagtatangi ang Diyos at gusto niyang maligtas “ang bawat isa na may pananampalataya.” (Ro 1:16) Sa buong liham niya sa mga taga-Roma, idiniin ni Pablo ang kahalagahan ng pananampalataya; mga 60 beses niyang ginamit ang mga terminong Griego na kaugnay ng “pananampalataya.” (Ang ilang halimbawa ay Ro 3:30; 4:5, 11, 16; 5:1; 9:30; 10:17; 11:20; 12:3; 16:26.) Dito sa Ro 1:17, sumipi si Pablo mula sa Hab 2:4. At sa dalawa pang liham niya, sumipi rin si Pablo mula sa Hab 2:4 para pasiglahin ang mga Kristiyano na magpakita ng pananampalataya.​—Gal 3:11; Heb 10:38; tingnan ang study note sa dahil sa kaniyang pananampalataya sa talatang ito.

      dahil sa kaniyang pananampalataya: Dito, sumipi si Pablo mula sa Hab 2:4, kung saan ang mababasa ay “mabubuhay sa kaniyang katapatan.” Sa maraming wika, may malapit na kaugnayan ang pagiging tapat sa pagkakaroon ng pananampalataya. Ang salitang Hebreo na isinaling “katapatan” (ʼemu·nahʹ) ay kaugnay ng terminong Hebreo na ʼa·manʹ (maging tapat; maging mapagkakatiwalaan), na puwede ring tumukoy sa pagkakaroon ng pananampalataya. (Gen 15:6; Exo 14:31; Isa 28:16) Kaya ang Hab 2:4 (tingnan ang tlb.) ay puwede ring isaling “mabubuhay sa kaniyang pananampalataya.” Posibleng sumipi si Pablo sa salin ng Septuagint sa Hab 2:4, kung saan ginamit ang salitang Griego na piʹstis. Ang salitang Griego na ito ay pangunahin nang nangangahulugan ng pagkakaroon ng kumpiyansa, tiwala, at matibay na paniniwala. Pinakamadalas itong isalin na “pananampalataya” (Mat 8:10; 17:20; Ro 1:8; 4:5), pero depende sa konteksto, puwede rin itong tumukoy sa “katapatan” o “pagiging mapagkakatiwalaan” (Mat 23:23, tlb.; Ro 3:3). Sa Heb 11:1, ginabayan ng Diyos si Pablo para ibigay ang kahulugan ng terminong “pananampalataya” (sa Griego, piʹstis).​—Tingnan ang study note sa Pero ang matuwid ay mabubuhay dahil sa kaniyang pananampalataya sa talatang ito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share