Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Roma 1:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Ang kaniyang di-nakikitang mga katangian ay malinaw na nakikita mula pa nang lalangin* ang mundo, dahil ang mga ito, ang kaniyang walang-hanggang kapangyarihan+ at pagka-Diyos,+ ay nakikita sa mga bagay na ginawa niya,+ kaya wala silang maidadahilan.

  • Roma 1:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Sapagkat ang kaniyang di-nakikitang+ mga katangian ay malinaw na nakikita mula pa sa pagkalalang ng sanlibutan,+ sapagkat napag-uunawa ang mga ito sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa,+ maging ang kaniyang walang-hanggang kapangyarihan+ at pagka-Diyos,+ anupat wala silang maidadahilan;+

  • Roma
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 1:20

      Ang Bantayan (Pag-aaral),

      3/2023, p. 15-19

      Sagot sa mga Tanong sa Bibliya, artikulo 174

      Masayang Buhay Magpakailanman, aralin 7

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 1354

      Kaunawaan, p. 42, 1082, 1155-1156, 1224, 1416

      Ang Bantayan (Pag-aaral),

      9/2016, p. 24-25

      Ang Bantayan,

      7/1/2014, p. 14

      8/1/2013, p. 11

      1/1/2013, p. 13

      6/15/2011, p. 9

      4/15/2009, p. 15-19

      5/1/2008, p. 3, 4-6

      10/1/2004, p. 10-11

      6/1/2004, p. 9-10

      5/1/1996, p. 15

      6/15/1993, p. 8-13

      9/1/1991, p. 16

      3/1/1988, p. 5

      Tularan, p. 11-12

      Gumising!,

      3/2010, p. 10

      5/8/1997, p. 13-14

      1/22/1996, p. 11-13

      11/8/1995, p. 8-9

      2/22/1987, p. 18-19

      Mabuhay Magpakailanman, p. 37-38

  • Mga Study Note sa Roma—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:20

      lalangin ang mundo: Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang terminong Griego na koʹsmos (“mundo”) ay karaniwan nang tumutukoy sa buong sangkatauhan o bahagi nito. Sa kontekstong ito, lumilitaw na ang tinutukoy ni Pablo ay ang paglalang sa mga tao, dahil may nakakita lang sa mga di-nakikitang katangian ng Diyos noong may mga tao na sa lupa na makakapagmasid sa iba pang nilalang ng Diyos. Ang terminong Griegong ito ay ginagamit din sa sekular na mga akda para tumukoy sa uniberso at mga nilalang, at malamang na ganito ang pagkakagamit ni Pablo sa terminong ito sa Gaw 17:24 noong mga Griego ang kinakausap niya.​—Tingnan ang study note sa Gaw 17:24.

      pagka-Diyos: Ang salitang Griego na thei·oʹtes ay kaugnay ng terminong Griego na The·osʹ (Diyos). Gaya ng makikita sa konteksto, ang tinutukoy ni Pablo ay ang mga pisikal na nilalang ng Diyos na nagpapatunay ng pag-iral Niya. Kailangan ang Kasulatan para maintindihan ang layunin, pangalan, at maraming aspekto ng personalidad ng Diyos; pero makikita sa mga nilalang ang kaniyang di-nakikitang mga katangian (lit., “mga hindi nakikita sa kaniya”), pati na ang kaniyang walang-hanggang kapangyarihan, na ginamit niya para lalangin at alagaan ang uniberso. Makikita sa pisikal na paglalang ang kaniyang “pagka-Diyos”; pinapatunayan nito na Diyos talaga ang Maylalang at karapat-dapat siya sa ating pagsamba.​—Apo 4:11.

      wala silang maidadahilan: Lit., “wala silang maipandedepensa.” Ang salitang Griego na a·na·po·loʹge·tos ay isang terminong ginagamit sa korte para tumukoy sa taong hindi makapagharap ng nakakukumbinsing ebidensiya para maipagtanggol ang sarili niya. Dito, tumutukoy ito sa mga taong hindi kumikilala sa Diyos. “Mula pa nang lalangin ang mundo” hanggang sa ngayon, pinapatunayan ng mga nilalang na talagang may Diyos. Dahil malinaw na nakikita ang mga katangian niya, hindi maipagtanggol ng mga hindi naniniwala sa Diyos ang paniniwala nila. Sinabi pa ni Pablo na ang mga katangian ng Diyos ay nakikita sa mga bagay na ginawa niya. Ang terminong Griego na isinaling “nakikita” ay kaugnay ng termino para sa “isip” (sa Griego, nous); ipinapahiwatig nito na kailangan ang isip para ‘makita’ ang mga katangian ng Diyos. Ayon sa isang salin, ang mga katangian ng Diyos ay “nakikita ng mata ng pang-unawa.” Sa pagmamasid sa mga nilalang ng Diyos at pagbubulay-bulay sa mga ito, maraming matututuhan ang mga tao sa mga katangian ng Maylalang. At kapag sinamahan ito ng malalim na kaalaman sa layunin at kaisipan ng Maylalang sa pamamagitan ng pag-aaral ng Bibliya, magkakaroon ng matibay na pananampalataya ang isang tao.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share