-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
pagtitimpi: Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang pangngalang Griego na a·no·kheʹ ay dito lang lumitaw at sa Ro 3:25. Literal itong nangangahulugang “pagpipigil.” Ang kaugnay nitong pandiwang Griego ay ginamit sa ilang talata, kung saan isinalin itong “nagtitiis” at “nagpapasensiya.” (Mat 17:17; 1Co 4:12; Efe 4:2) Ginamit din ng Griegong Septuagint ang pandiwang ito para tumukoy sa pagpipigil ni Jehova. (Isa 42:14; 64:12; LXX) Sa kasaysayan ng tao, nagpakita ang Diyos ng pambihirang kabaitan, pagtitimpi, at pagtitiis sa pamumusong sa pangalan niya, pagpapahirap at pagpatay sa Anak niya, at masamang pagtrato sa kaniyang tapat na mga mananamba. Ginawa ito ng Diyos dahil ‘sinisikap niyang akayin sa pagsisisi’ ang mga tao. Ganiyan din ang sinabi ni apostol Pedro.—2Pe 3:9.
pagsisisi: Lit., “pagbabago ng isip.” Sa Bibliya, tumutukoy ito sa pagbabago ng isip na may matinding kalungkutan dahil sa dating paraan ng pamumuhay, dahil sa pagkakamali, o dahil hindi nagawa ng isa ang dapat niyang gawin. Sa kontekstong ito, ang “pagsisisi” ay tumutukoy sa kagustuhan ng isang tao na magkaroon ng magandang kaugnayan sa Diyos o maibalik ito. Ang tunay na pagsisisi ay may kasamang pagkilos, ang pagbabago ng landasin.—Tingnan ang study note sa Mat 3:2, 8; Gaw 3:19; 26:20 at Glosari.
-