Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Roma 7:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Pero malaya na tayo sa Kautusan+ dahil wala na itong kontrol sa atin,* kaya dapat na maging alipin na tayo ng espiritu+ at hindi ng nakasulat na batas gaya noon.+

  • Roma 7:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Ngunit ngayon ay pinalaya na tayo mula sa Kautusan,+ sapagkat namatay+ na tayo roon sa pumipigil sa atin, upang tayo ay maging mga alipin+ sa isang bagong diwa sa pamamagitan ng espiritu,+ at hindi sa lumang diwa sa pamamagitan ng nakasulat na kodigo.+

  • Roma
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 7:6

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 1383

  • Mga Study Note sa Roma—Kabanata 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7:6

      malaya na tayo sa Kautusan: Sa Ro 7:1-6, gumamit si Pablo ng isang ilustrasyon para ipaliwanag ang paglaya ng mga Kristiyanong Judio mula sa Kautusang Mosaiko. Natatali ang babae sa asawa niya habang nabubuhay ito, pero kung mamatay ang asawa niya, malaya na siyang mag-asawa ng iba dahil wala nang bisa ang kasal nila. Ganitong pagbabago ang nararanasan ng isang Kristiyano kapag “namatay na [siya] sa kasalanan.” (Ro 6:2, 11) Ang mga Kristiyanong Judio ay “ginawang patay sa Kautusan sa pamamagitan ng katawan ng Kristo,” na naglaan ng pantubos, para “maging pag-aari [sila] ng iba,” o ni Kristo. (Ro 7:4) Sinabi ni Pablo sa Gal 3:13 na “binili tayo ni Kristo at pinalaya mula sa sumpa ng Kautusan nang siya ay maging isang sumpa sa halip na tayo.” Ang indibidwal na nananampalataya kay Kristo ay namatay sa makasagisag na paraan, kaya wala na siya sa ilalim ng dating Kautusan. Puwede na siyang maging alipin ngayon ng “espiritu.” (Ro 7:6) Siyempre, ang isang tao na namatay sa ganitong paraan ay hindi naman namatay nang literal kaya makakasunod siya kay Kristo bilang alipin ng katuwiran.​—Ro 6:18-20; Gal 5:1.

      maging alipin: Sa isang Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan (may code na J18 sa Ap. C4), ang mababasa ay “maging alipin ni Jehova.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share