Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Roma 8:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Dahil sabik na sabik na naghihintay ang lahat ng nilalang* sa pagsisiwalat sa mga anak ng Diyos.+

  • Roma 8:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Sapagkat ang may-pananabik na pag-asam+ ng sangnilalang+ ay naghihintay sa pagsisiwalat sa mga anak ng Diyos.+

  • Roma
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 8:19

      Workbook sa Buhay at Ministeryo,

      2/2019, p. 5

      Kaunawaan, p. 10, 131, 720

      Ang Bantayan,

      7/15/2012, p. 11

      3/15/2012, p. 23

      4/1/2009, p. 12

      5/1/1999, p. 5-7

      9/15/1998, p. 19

      2/15/1998, p. 18-19

      5/15/1997, p. 14

      2/1/1997, p. 13

      7/1/1995, p. 11

      6/1/1992, p. 20

      Nangangatuwiran, p. 218

  • Mga Study Note sa Roma—Kabanata 8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 8:19

      lahat ng nilalang: Lahat ng nilalang sa lupa ay nagdusa sa epekto ng rebelyon ng tao sa Eden. Pero sa kontekstong ito, ang “lahat ng nilalang” ay lumilitaw na tumutukoy lang sa mga tao, dahil sila lang ang puwedeng sabik na maghintay at umasa na makakalaya sila sa epekto ng kasalanan at kamatayan. (Ro 5:12; 8:19) Ayon sa ilang iskolar, ang salitang Griego na isinaling “sabik na sabik na naghihintay” ay tumutukoy sa isang tao na unat na unat ang leeg dahil sa paghahanap at pag-aabang.

      pagsisiwalat sa mga anak ng Diyos: Dito, tinukoy ni Pablo ang “mga kasamang tagapagmana ni Kristo” bilang “mga anak ng Diyos.” (Ro 8:17) ‘Masisiwalat’ sila kapag naluwalhati na sila at namamahala nang kasama ni Kristo Jesus sa langit. Sila ang pangalawahing bahagi ng ipinangakong “supling” (Gen 3:15), kaya makakasama sila ni Kristo sa pagpuksa sa masamang sistema ni Satanas (Ro 16:20; Apo 2:26, 27). Lalo pa silang ‘masisiwalat’ sa Sanlibong-Taóng Paghahari ni Kristo, kung kailan maglilingkod na sila bilang saserdote para maipaabot ang mga pagpapala ng haing pantubos ni Jesus sa lahat ng nilalang, na tumutukoy sa mga tao. Sa “pagsisiwalat sa mga anak ng Diyos,” mapapalaya ang mga tao “mula sa pagkaalipin sa kabulukan” at magkakaroon sila ng “maluwalhating kalayaan bilang mga anak ng Diyos.”​—Ro 8:21; Apo 7:9, 10, 14; 20:5; 22:1, 2.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share