-
Roma 11:16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Bukod diyan, kung ang isang bahagi ng limpak na kinuha bilang mga unang bunga ay banal, ang buong limpak ay banal; at kung ang ugat ay banal, gayon din ang mga sanga.
-
-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ugat . . . mga sanga: Dito, ikinumpara ni Pablo sa punong olibo ang katuparan ng layunin ng Diyos may kaugnayan sa Abrahamikong tipan. Si Jehova, ang ugat ng punong iyon, ang nagbibigay-buhay sa espirituwal na Israel. (Isa 10:20) Si Jesus, ang katawan ng puno, ang pangunahing bahagi ng supling ni Abraham. (Gal 3:16) Ayon kay Pablo, ang lahat ng sanga ang ‘kumpletong bilang’ ng bubuo sa pangalawahing bahagi ng supling ni Abraham.—Ro 11:25; Gal 3:29.
-