-
1 Corinto 4:6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 Ngayon, mga kapatid, ang mga bagay na ito ay iniangkop ko upang ikapit sa aking sarili at kay Apolos+ sa inyong ikabubuti, upang sa kalagayan namin ay matutuhan ninyo ang alituntunin: “Huwag higitan ang mga bagay na nakasulat,”+ upang ang bawat isa sa inyo ay huwag magmalaki+ sa pagkampi sa isa laban sa iba.+
-
-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Huwag higitan ang mga bagay na nasusulat: Hindi ito sinipi mula sa Hebreong Kasulatan. Lumilitaw na isa itong sikat na prinsipyo o kasabihan noon. Ipinapahiwatig nito na hindi dapat magturo ang mga lingkod ng Diyos nang higit sa mga batas at prinsipyong nakasulat sa Salita ng Diyos. Halimbawa, sinasabi ng Kasulatan kung ano dapat ang maging tingin ng Kristiyano sa sarili niya at sa iba, at hindi siya dapat lumampas dito. Ipinagyayabang ng mga taga-Corinto ang ilang partikular na tao, posibleng si Apolos at si Pablo pa nga. May pinapanigan sila kaya nagkakaroon ng pagkakabaha-bahagi. Hanggang sa bahaging ito ng liham ni Pablo, sumipi siya nang maraming beses mula sa Hebreong Kasulatan posibleng para makapagpakita ng mabuting halimbawa sa mga taga-Corinto. Ginawa niya ito para suportahan ang mga argumento niya, gamit ang salitang “nasusulat.”—1Co 1:19, 31; 2:9; 3:19; tingnan din ang 1Co 9:9; 10:7; 14:21; 15:45.
-