-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
pananampalataya: Lahat ng Kristiyano ay dapat magkaroon ng pananampalataya (Ro 10:10; Heb 11:6), pero espesyal na pananampalataya ang tinutukoy dito ni Pablo. Lumilitaw na dahil sa ganitong uri ng pananampalataya, makahimalang napagtagumpayan ng mga Kristiyanong may ganitong kaloob ang tulad-bundok na mga problema na puwedeng makahadlang sa tapat na paglilingkod nila sa Diyos.—1Co 13:2.
kaloob na magpagaling: Tumutukoy sa makahimalang kakayahan na magpagaling ng lahat ng uri ng sakit. Hindi kailangan ng maysakit na gumawa ng madamdaming paghahayag ng pananampalataya para mapagaling siya. (Ju 5:5-9, 13) Sa halip, ang mas kailangang magkaroon ng malaking pananampalataya ay ang nagpapagaling. (Mat 17:14-16, 18-20) Ang kaloob na ito ay matibay na ebidensiya na pinagpapala ng espiritu ng Diyos ang bagong-tatag na kongregasyong Kristiyano.—Gaw 5:15, 16; 9:33, 34; 28:8, 9.
-